Close

Not a member yet? Register now and get started.

lock and key

Sign in to your account.

Account Login

Forgot your password?

Annual Pensioners’ Information Revalidation (APIR) Frequently Asked Questions

1. Ano ang APIR?
 

Ang ibig sabihin ng APIR ay Annual Pensioners’ Information Revalidation. Ito ang taunang personal appearance ng GSIS pensioners upang ipaalam sa GSIS na active pa ang kanilang status.

Ang APIR ay ang dating Annual Renewal of Active Status (ARAS), na huling naipatupad ng GSIS noong 2011.

2. Bakit ibinalik ang taunang personal appearance ng GSIS pensioners?
 

Ibinalik ngayon ang taunang personal appearance ng GSIS pensioners sapagkat kailangang pangalagaan ng GSIS ang pondo nito. Kapag hindi naipagbibigay-alam sa GSIS ang totoong kalagayan ng pensioner, maaari itong makapagdulot ng negatibong epekto sa pondo ng pensiyon. Posibleng maging sanhi ito ng problema sa pagbibigay ng pensiyon at ng pangkalahatang benepisyo sa mga aktibong miyembro ng GSIS.

Bukod dito, sinisiguro ng GSIS na ang pensioner mismo ang tumatanggap ng kanyang pensiyon at hindi ibang tao.

3. Kailan dapat mag-APIR?
 

Magkakaroon ng mass reactivation para sa APIR simula March 23, 2018 hanggang June 30, 2018.

Mula 2019 naman at sa susunod na mga taon, sa birth month ng pensioner dapat mag-APIR.

4. Sino-sino ang dapat mag-APIR?
 

Sa mass reactivation na gagawin simula March 23, 2018, kailangang mag-APIR ang lahat ng old-age pensioners at survivorship pensioners na edad 79 at pababa.

5. Sino-sino ang hindi kasama sa APIR?
 

Hindi kasama sa mass reactivation ng APIR (March 23 hanggang June 30, 2018) ang mga sumusunod:

  • Permanent total disability (PTD) pensioners;
  • Old-age pensioners na active GSIS members din;
  • Guardians ng dependent children;
  • Pensioners na edad 80 na kasama sa nakalistang hindi maganda ang lagay ng kalusugan;
  • Pensioners na nasa abroad (Nag-a-APIR sila sa Skype); at
  • Pensioners na nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) areas.
6. Ano ang mangyayari kapag hindi nakapag-APIR ang old-age o survivorship pensioner sa mass reactivation period mula March 23 hanggang June 30, 2018?
 

Kapag hindi nakapag-APIR ang old-age o survivorship pensioner, mahihinto ang kanyang pensiyon sa kasunod na buwan matapos mag-expire ang kanyang active status. Maitutuloy lamang ang pensiyon kapag nakapag-APIR na siya.

7. Kailan mag-eexpire ang active status ng isang GSIS pensioner?
 

Ngayong 2018, mag-eexpire ang active status ng isang GSIS pensioner kapag hindi siya nakapag-APIR sa mass reactivation period mula March 23 hanggang June 30, 2018.

Simula naman sa 2019, kapag hindi nakapag-APIR sa kanyang birth month ang GSIS pensioner, mag-eexpire ang kanyang active status sa buwan na kasunod ng kanyang birth month.

8. Paano mag-a-APIR ang pensioners?
 

Maaaring mag-APIR sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod:

  • GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosk. Matatagpuan ito sa opisina ng GSIS; malalaking ahensya ng gobyerno, tulad ng DepEd division at regional offices; mga lokal na tanggapan ng gobyerno, tulad ng munisipyo o kapitolyo; Robinsons Malls; at sa anim na branch ng SM – North Edsa, Manila, Pampanga, Cebu, SM Aura sa Taguig, at SM MOA sa Pasay City.
  • APIR caravan. Dadalhin ito ng sa mga pangunahing lungsod at munisipyo na pipiliin ng GSIS ayon sa lokasyon ng pensioners. May schedule ang APIR caravan sa bawat area.
  • Pinakamalapit na opisina ng GSIS. Maaari itong gawin kung hindi makakapunta sa schedule at lugar ng APIR caravan.
9. Kung nakapag-APIR na ang pensioner sa mass reactivation mula March 23 hanggang June 30, 2018, pero ang birth month niya ay pagkatapos ng mass reactivation (July hanggang December), kailangan pa ba niyang mag-APIR uli sa mismong birth month niya?
 

Oo. Kahit nakapag-APIR na ang pensioner sa mass reactivation (March 23 hanggang June 30, 2018), at ang birth month niya ay July hanggang December, kailangan niya uling mag-APIR sa birth month niya.

10. Sa 2019, dalawang beses bang mag-a-APIR ang pensioner?
 

Hindi. Sa 2019, minsan lang mag-a-APIR ang pensioners, at iyon ay sa birth month niya.

11. Paano malalaman ang schedule ng APIR caravan?
 

Iaanunsyo ang schedule ng APIR caravan sa mga sumusunod:

  • TV program ng GSIS (GSIS Members’ Hour) sa Channel 4 tuwing Biyernes, 8-9 p.m., na may replay tuwing Sabado, 7-8 p.m.; o
  • Sa radyo: DZXL, tuwing Martes, 9-10 a.m. at sa DZRH Operation Tulong tuwing Lunes, 2 p.m.).

Maaari ding tumawag sa GSIS Contact Center sa 847-4747; magtanong sa GSIS Facebook Page(@gsis.ph); o pumunta sa alinmang opisina ng GSIS.

12. Ano-ano ang dapat dalhin sa APIR?
 

Kailangang dalhin ng pensioner ang kanyang UMID card at isa pang valid government-issued identification card (ID).

13. Ano ang gagawin ng pensioner na maysakit o hindi na makakapagbiyahe papuntang GSIS upang mag-APIR dahil sa hindi magandang lagay ng kanyang kalusugan?
 

Kapag hindi na kayang mag-APIR ng pensioner dahil sa lagay ng kanyang kalusugan, maaari siyang mag-request ng home visit.

Ang sumusunod ang requirements ng home visit:

  • Sulat na nagre-request ng home visit. Nakasaad sa sulat ang buong pangalan ng pensioner, birthday, at kumpletong address (na may kasamang sketch); at
  • Medical certificate o barangay certificate na nagsasaad na ang pensioner ay residente sa address na ipinadala niya.
14. Kung may nais linawin ukol sa APIR, saan maaaring sumangguni?
 

Para sa mga detalye ng APIR, maaaring:

  • Tumawag sa GSIS Contact Center sa Metro Manila (847-4747); Kung Globe TM user: 1-800-8-847-4747; Libre sa Globe landline at mobile phone basta’t may Php8.00 load); kung Smart/Sun/Talk ‘N Text user: 1-800-10-847-4747;
  • Bisitahin ang GSIS website sa www.gsis.gov.ph;
  • Magtanong sa FB page @gsis.ph;
  • Sumulat sa gsiscares@gsis.gov.ph