1. | Ano ang GFAL? |
Ang GFAL o GSIS Financial Assistance Loan ay isang programa ng Government Service Insurance System (GSIS) kung saan babayaran ng GSIS ang outstanding loan balance ng empleyado ng Department of Education (DepEd) sa kahit aling 213 private lending institutions na accredited ng DepEd kung nag-apply at nag-qualify ang nasabing member sa GFAL. Irerestructure ang loan at babayaran ito ng member sa GSIS sa mas mababang interest at amortization at mas mahabang term. |
|
2. | Bakit ipinapatupad ng GSIS ang GFAL? |
Ipinapatupad ng GSIS ang GFAL para maiayos ang kakayahang pang-pinansyal ng GSIS members; mabigyan ng abot- kayang loan package ang mga members sa DepEd upang mabayaran ang kanilang outstanding loan balance sa private lenders; at mas gumanda ang collection efficiency ng GSIS. |
|
3. | Kailan puwedeng mag-apply sa GFAL? |
Tatanggap ang GSIS ng application sa GFAL simula sa May 15, 2018. |
|
4. | Required bang sumali sa programang ito ang lahat ng empleyado ng DepEd na may utang sa private lending institutions? |
Hindi. Boluntaryo ang pagsali sa programa at ang member lang na mag-aaply ang puwedeng makinabang. |
|
5. | Sino ang puwedeng umutang sa ilalim ng GFAL? |
Ang lahat ng empleyado ng DepEd ay puwedeng mag-avail ng GFAL kung sila ay:
|
|
6. | Magkano ang puwedeng hiramin ng kwalipikadong member ? |
Hanggang PhP500,000 ang puwedeng mautang ng member pero ang kanilang take-home pay ay dapat na hindi mas mababa sa PhP5,000 (itinakda sa General Appropriations Act) matapos ibawas ang kanilang monthly obligations. |
|
7. | Magkano ang interest rate ng GFAL at gaano katagal ito babayaran? Mayroon din bang service fee ang GFAL? |
Ang interest rate ng GFAL ay 6% per annum. Ang computation ay base sa diminishing balance. Babayaran ito ng borrower sa GSIS sa loob ng anim na taon o 72 na equal monthly instalment. Walang service fee ang GFAL. |
|
8. | Kung may arrears sa ibang loans ang borrower, ibabawas ba ito sa proceeds ng GFAL? |
Hindi ibabawas sa proceeds ng GFAL ang arrearages sa ibang loans ng borrower. |
|
9. | Paano makakautang ang mga members na may loan in-default (hindi nababayaran ng anim na buwan o higit pa)? |
Kung may loan in default sa GSIS ang interested borrower, puwede siyang umutang sa Consolidated loan (Consoloan) Plus program para marestructure ang kanyang loan. Kapag wala nang in default loan sa database ng member, puwede na siyang mag-qualify sa GFAL. |
|
10. | Paano iko-compute ang loanable amount sa GFAL? Paano kung marami siyang pinagkakautangang private lenders? |
Ang loanable amount ay iko-compute base sa final statement of account (SOA) na kasama sa ipinasa na GFAL application documents. Ang member ay hindi puwedeng mag-apply ng amount na mas mataaas sa total obligation na nasa SOA. Kung may loan ang member sa dalawa o mahigit pang private lenders ay pagsasama-samahin ang mga ito base sa mga SOAs na ipinasa. |
|
10. | Paano kung ang kinalabasang total outstanding loan balance ng member sa iba’t ibang PLI ay mas malaki sa maximum loanable amount na PhP500,000? |
Kung ang total outstanding loan balance ng member ay mas malaki sa P500,000.00, papiliin siya kung alin ang gusto niyang bayaran sa ilalim ng GFAL. |
|
12. | Kanino ibabayad ng GSIS ang loan proceeds? |
Ang loan proceeds ng GFAL ay ibabayad ng GSIS sa DepEd accredited lending institutions, at ang tseke ay ire-release lang sa authorized representative ng private lender. Dahil dito, dapat ay nakalagay sa SOA ang pangalan at contact number ng authorized representative ng private lender. |
|
13. | Ano ang mga requirements na dapat i-submit ng nais mag-apply sa GFAL? |
Ang mga sumusunod ay dapat isubmit ng mga gustong mag-apply sa GFAL:
Dapat tandaan na ipoproseso lamang ngGSIS ang application kung kumpleto ang mga required documents. |
|
14. | Ano ang proseso ng pag-aaply sa GFAL? |
Ang 6-Step Guide sa pag-aaply sa GFAL ay ang mga sumusunod:
|
|
15. | Required ba talagang umattend sa financial literacy seminar? Puwede bang mag-attend ng financial literacy seminar sa ibang kumpanya? |
Oo, ang pag-attend sa financial literacy seminar ng GSIS ay requirement sa GFAL. Dahil dito, ang financial literacy seminar ng ibang kumpanya ay hindi tatanggaping valid requirement ng GFAL. Ang mga loan applicants lang na mag-aatend ng seminar ang papayagang tumuloy sa loan evaluation and counselling ng GFAL. Ang financial literacy seminar ng GSIS ay sadyang ginawa para sa GFAL at ang pakay nito ay upang mas maintindihan ang layunin ng GFAL. |
|
16. | Saan puwedeng magtanong tungkol sa GFAL? |
Para sa mga tanong, tawagan ang alinman sa mga sumusunod na numero ng GSIS Contact Center:
|